magic mic virgin
ever since I was a little girl, masyado na akong mahiyain… ayaw kong nagiging centre of attention… at kung may ginagawa akong kakaiba tapos bubuskahin mo ako, wala na… hindi ko na ulit gagawin kung ano mang ginagawa ko nung time na yun… tawagin mo na akong may mababang self esteem, walang self confidence… so what… i don’t care… ah basta basta! kaya tuloy hindi ako natutong sumayaw… kasi nung bata ako, mahilig daw akong sumayaw ng naka black leotard pa… parang ala flash dance ata… siguro mga 5 or six ako nun…. tapos inasar ako na ang tigas daw ng katawan ko… wala na…. hanggang ngayon hindi ako marunong sumayaw… at hindi ako sumasayaw… pwera na lang kung chacha…. or may hahawak sa kamay ko… pero di ako natuto ng regular na sayaw…. (sumasayaw lang ako dahil masyadong mahilig sumayaw ang asawa ko, wawa naman kung wala syang pakner)
which brings me to my title… before last saturday, hindi mo talaga ako mapapa kanta sa magic mic na yan… miski nga sa simbahan hindi ako kumakanta eh… kc feeling ko wala ako masyado sa tono…. pero nung last saturday, ewan ko ano nangyari… pinapakanta kasi namin yung pamangkin ko…. para kumanta sya nag kanta kantahan ako…. pinipili ko yung mga mabibilis na kanta/tugtog para lahat kami kakanta…. nag solo ba naman ako ng isang kanta…. at kahiya hiya ang score ko! wag mo nang tanungin kung ano (ate bong, pagpinagsabi mo sasakalin kita!) pero kasi daw hindi naririnig yung kanta ko… puro bulong bulong kasi…. kaya nung medyo kaming mga magkakapatid na lang, ayan na… todo bira na… todo bigay na…. nakakakuha ata ako ng 86 na score…. pinakamataas… at dahil nawala na yung hiya kong kumanta, kinanta pa namin ng kapatid ko ang “we are the champions” at “zombie” grabeh talaga… hindi mo na maagaw ang mic sa kin nung gabi na yun… puro last na… last na…. sabi tuloy ni mister, lika bukas punta tayo sa P mall at bibili kita ng magic mic…. natuwa ata sya at napakanta ako…. pero sabi ko pag umuwi nalang sila mami sa May mas mura sa Pinas….
kaya nung last saturday na devirginized ako…. sa pagkanta sa magic mic….
invited kayo sa concert ko ha… siguro sa March 18th sa Kirwin Avenue…
deadma
meron akong co-worker na laging kwento ng kwento… tungkol sa mga complaints nya sa ibang ka trabaho namin…
one day isang araw, napagalitan nya ako (halos sing edad na nya ang mommy ko eh) kasi daw bakit tuwing mag ku kuwento sya sa kin ng mga ganon, wala raw akong reaction? kelangan ko bang gatungan? ako kc parang live and let live ang personality ko… do what you want ba… napapangiti lang ako sa kanya everytime nagkukwento sya… tapos sasabihin nya yun? ano gusto nyang sabihin ko? hindi ba sya naturuan ng magulang nya na if you don’t have something nice to say then don’t say anything at all?
hayyyyy… makabalik na nga sa work…