an inside look of me


very helpful ah…

Posted in Uncategorized by genel on the April 3, 2006

kagabi hinatid namin si "tito wanwel" sa work, dahil ma le late sya… 8pm-4am ang shift nya sa BK…. dumiretso kami sa "donalds" dahil pramis namin yun kay bigboy kung gigising na sya from his nap na nag start ng 6pm (bale 5pm pa lang talaga yun, nag start na kasi ang DST kahapon)

kahapon din pala nag stay lang kami sa bahay after church, dahil masama ang pakiramdan ni mister at masama rin ang pukiramdam ko (1st day ng period ko) nag aral na lang akong magpalit ng gulong, kung sakaling ma flat-an ako LOL

sayang at hindi ko nasaksihan, ang tagal kasi ng order kong pagkain…. si bigboy daw sabi ni mister merong tinuruan na mas maliit pa sa kanyang bata kung paano umakyat dun sa laruan sa mcdo (yung playplace nila) tinuro daw ni bigboy kung san iaapak ang paa para makaakyat sya…. naka akyat naman yung bata hanggang sa itaas at nag slide sya pababa pero si bigboy hanggang sa baba lang…. sabi nung tatay nung tinuruan ni bigboy, tulungan mo yung littleboy na makaakyat rin…. sabi namin, "he knows, he's just scared to go up" (me takot ata sa heights si bigboy) natawa yung tatay….

gusto kasi ni bigboy kasama pa ako mag suot suot dun sa laruan na yun, eh laki laki ko kaya…. tapos wala pa akong medyas… dapat naka medyas ka… tapos ang dami pang audience na matatanda, mamaya mapaalis ako ng di oras mamaya ma stuck pa ako 

wawa naman si bigboy, sabi ng mommy ko, sya naman daw ata ang magkakasakit…. kakagaling ko lang kasi sa sakit… buong weekend akong may trangkaso…. kahapon si mister na ang tinamaan ng lintek trangkaso…. minasahe ko nga buong katawan nya dahil super sakit daw…. bakit kaya pag lalake ang may sakit super sa pag ka baby…. ganong ako naman ang may sakit nung friday and saturday, pinatulog lang nya ako sa kwarto magisa…. pero bilib ako sa gamot na ininom ko…. CONTACT C pagkainom ko maya't maya lang feeling ko ang galing galing ko na… hehehe… sayang di pareho ang epek kay mister… siguro dapat dalawa ang inumin nya…. hhhmm…….

2 Responses to 'very helpful ah…'

Subscribe to comments with RSS or TrackBack to 'very helpful ah…'.

  1. ann said,

    Smart naman yang bigboy mo, friendly ha.

    Wow! Swerte pala ako sa hubby ko, kasi pag may sakit ako, naiinis naman ako na maya’t-maya ay nasa tabi ko laging tsek sa kin, laging tanong kung ano na pakiramdam ko. Sarap sana ng ganon kaya lang kasi minsan ang sarap ng tulog mo eh magigising ka kasi kinakapa yung noo mo kung may lagnat ka pa. But very thankful ako at ganoon sya.

    hope okay na hubby mo.

  2. lizzz said,

    Mami, pede ka bang mag lagay ng chat box sa gilid? :)


Leave a Reply