an inside look of me


surprise surprise!!!

Posted in Uncategorized by genel on the April 3, 2006

Nakahiga na kami kagabi ng biglang nag ring ang telepono.  Nag atubili pa akong sagutin (naks ang lalim ng tagalog noh, di naman ako sure kung tama, hehehe) dahil lola ni mister yung tumatawag…. ginising ko sya bigla (natutulog na dahil sya naman me sakit) at tinanong ko kung sasagutin ba nya o hayaan na lang na answering machine ang sumagot…. sinagot nya…. nag usap silang mag lola sandali…. binaba…. may pinatawagan…. tapos tawag ulit sa lola nya… bago binaba ang telepono kakausapin daw ako – huwat?! nagulat ako ha… bakit? eh kasi mahabang storya…. eto ang napag usapan namin…

ama: gen, bakit di mo dalhin sa albularyo doctor yang asawa mo?

genpot: sinabi ko na nga po eh (kunyari lang) ayaw naman magpadala (sipon lang o trangkaso sakit ni mister – malayo sa bituka)

ama: kamusta na kayo dyan?

genpot: ok lang po.

ama: hindi naman ako pinupuntahan ng mga apo ko, magisa na ako sa buhay.

(wow, paawa epek pa)

genpot: sinasabi ko nga po lagi kay mister na bisitahin kayo eh. (naks)

ama: pagpasensyahan mo na lang sila

genpot: opo… hayaan nyo si manulito sa amin na ulit nakatira…

ama: syanga?

genpot: opo, nakita ko sa mall, kinausap at umuwi naman

(di lang nya alam kung paano umuwi, wag nang pasamain ang loob ng matanda)

ama: mabuti naman, eh si mikulito? ano na balita? meron na bang pamasahe ang totoo  pamilya nya paputa dito?

genpot: meron na po ata sa end of April daw ang dating… at dito rin ata samin ang bagsak tutuloy.

ama: mabuti naman pagpasensyahan mo na lang sila mga walang isip hindi nag iisip yang mga yan eh

genpot: ganon na nga po… sige po matulog na kayo para makatulog na rin kami g'night.

wow wowwie talaga! ngayon ko lang ata narinig na ganon ang tono ng boses non ah… usually kasi masyadong mapag taray yun… at masyadong ako ang masama sa paningin nya… ano na nangyayari sa mundo????!!!!

baka nagtataka kayo kung bakit ganoon ako kabigla sa paguusap namin ni lola ng mister ko… kasi po nung last ko syang nakita nag try akong mag mano, kahit anong hila ko sa kamay nya ganon ding hila nya palayo para hindi ako makapag mano… huwat?!

anyways, hemingways…. hehehe… masama lang ang loob ko sa pamilya ng asawa ko dahil tuwing mag uusap sila hindi nila ako tinuturing na pamilya… kesyo mag uusap daw silang pamilya - sabi sa kin ng lola nya… oh well…. di mag usap kayo…. 

yes, sir!!!

Posted in Uncategorized by genel on the March 21, 2006

pagdating sa bahay kahapon after work, ayaw pang pumasok ni Justin sa loob ng bahay… gusto daw nyang mag play… eh limited ang time namin in between hubby’s full and part time… kelangan ko ayusin ang hapunan, etc etc… so sabi ni hubby… mamaya na lang kain muna tayo…

so na pakain naman namin si Justin… kaya lang after eating… hinanap nya agad ang papa nya…

Papa: tapos ka na bang kumain?

Justin: YES SIR! I done eat let’s play!

di pala nya nakalimutan yung sabi ng papa nya… ang cute cute nya… kc most of the time pag sinagot ka nya… “yes, sir!”

“maliligo ka na ba?” — “yes, sir!”

“tapos ka nang mag oo?” — “yes, sir!”

tapos ngayon marunong nang mamili ng isusoot… kahapon malamig so ang binibigay ko sa kanya yung makapal nyang jacket… na nabili ko sa Walmart… sabi ba naman sakin… “not that one” sabay turo sa gusto nyang isuot na jacket na Nautica na binigay ng tita Bong nya…  tapos sabi ko mag boots na lang sya… yung winter boots para madaling isuot.. sabi ba naman sakin.. “this one” pointing sa new And1 running shoes nya “this nice shoes” daw…

sa tabi na naman nga namin natulog kagabi… sabi ko kaninang umaga… bakit tumabi ka na naman samin? ang sagot nya… “like this” sabay turo sa bed namin “nice bed”

hay kakaloka ang anak ko! masyadong marunong…

« Previous PageNext Page »